April 9 - April 13

  • 3Nadarang

    Shanti Dope

    Andiyan ka na naman
    Bat di ko maiwasang tumingin sayong liwanag
    Nadarang nanaman sayong apoy
    Bakit ba laging hinahayaan
    Andiyan ka na naman
    Ba’t di ko maiwasang tumingin sayong liwanag
    Nadarang nanaman sayong apoy
    Handang masaktan kung kinakailangan

    May lakad ka ba mamaya
    Puwede ka ba makasama sa pag gagala
    Kung sakaling di ka puwede
    Sabagay, meron din akong ginagawa
    Siguro nga napapaisip ka
    Ba’t ako nangangamusta
    Ilang araw ka na naroon sa
    Panaginip ko, nag-aalala lang ako baka san ka mapunta
    Pero mukhang ayos ka naman
    Kahit hindi na kita abalahin pa
    Ilang ama namin pa ba ang dapat
    Para patago kang mag-alala sakin (uh)
    Habang pinapantasya lamang nila
    Ay maskara mo sa gabi At
    Pitaka mo sa umaga
    Dun ikaw sa likod ng colorete
    Pag ‘di na ngangangahulugan
    Sa salitang paraiso para sakin
    Bakit kaya kayamanan ko padin kinikilala
    Ang iyong pagtawa
    Kahit na sa puso mo man ay
    Hinandusay na natin ang kasya
    Dati pa ‘ko pinagdamutan ng kapalaran
    Kaya ‘di na bago sakin mawalan ng pag-asa
    Ala una nanaman ng umaga
    Tawagan mo na lang ulit ako
    Kapag hindi na kayo magkasama

    Andiyan ka na naman
    Bat di ko maiwasang tumingin sayong liwanag
    Nadarang nanaman sayong apoy
    Bakit ba laging hinahayaan
    Andiyan ka na naman
    Ba’t di ko maiwasang tumingin sayong liwanag
    Nadarang nanaman sayong apoy
    Handang masaktan kung kinakailangan

    May lakad ka ba mamaya
    Sana madaanan mo ko pagkatapos
    Sabihin mo ngayon ako’y makaka-asang
    Dito ka dadalhin ng iyong sapatos
    Kung ngayong gabi lang naman ay magiging dahilan
    Ay handang handa parin naman ako mamaos
    Makakaluwag ka man ay sa mas
    Nakakaibang paraan kita tutulungan makaraos
    Bakit ka nagparamdam
    Siguro ‘di na kayo nilanggam
    Bakit kaya ‘di niya alam
    Ang iyong halaga kung gaano ka kalinamnam
    Iwasan ko mang matakam ng di halata
    Ang hirap nang magpabaya
    Kapag tawag na ng laman ay nagbadya
    Makipag langit lupa ng walang taya
    Pagkasama ka, bitbit sa bibig
    Mga ingay na tayo lang dalawang nakadinig
    Nakatawang umidlip sa kama
    Pero ba’t wala ka na pagsapit ng umaga?

    « Back to Top 10 Songs