June 19 - June 25

  • 16Hanggang Kailan

    Michael Pangilinan

    Akala ko sa’yo natagpuan
    Pag-ibig na walang hanggan
    Ang ating pagsasama
    Pinaglaruan ng tadhana

    Nagmahal ka ng iba
    Iniwan mo akong mag-isa
    Hindi ko maturuan ang pusong
    ‘wag magmahal ng tapat sa’yo

    Kahit pa
    Ako’y bahagi na lamang
    Ng nakaraan mo
    Andito lang ako sa’yo

    Hanggang kailan aasa?
    Hanggang kailan magdurusa?
    Hanggang kailan?
    Hanggang kailan?

    Hanggang kailan aasa?
    Hanggang kailan magdurusa?
    Hanggang kailan?
    Hanggang kailan?

    Tanggap kong ako’y
    Muling masasaktan
    Pagdurusa sa piling
    Mo’y pagdaraanan

    Ang tanging tanong ko lang
    Hanggang kailan?
    Batid kong hanggang dito na lang
    Kaya’t pipiliting ika’y talikuran

    Ika’y aking lilimutin
    Hanggang kailan

    Hanggang kailan aasa?
    Hanggang kailan magdurusa?
    Hanggang kailan?
    Hanggang kailan?

    Hanggang kailan aasa?
    Hanggang kailan magdurusa?
    Hanggang kailan? (Sana ako’y mapagod na…)
    Hanggang kailan

    « Back to Top 10 Songs