Sexy Megan

Sexy Megan

Real name: Megan Sebastian

Awards/Citations Received: best in attendance, most punctual, most pabibo

Dream name: Wala besh, masaya na ako sa pangalan ko.

Ilang beses ka kung mag-hilod?: Besh kada ligo naghihilod ako. Maitim lang ako. Hindi naman ako dugyot.

Dugtungan: “Ikinaganda/Ikinapogi ko ang…”: araw araw na paglalagay ng kilay. Kilay is life.

Kung ikaw ay magiging isang parte ng katawan ng tao, ano ka?: Puso, yung kahit ilang beses kang broken, gumagana ka pa rin. Ganun ako besh, strong! Chos

Mahilig ka ba sa malaki at naghuhumindig…na mga puno? Gusto mo rin ba ng maugat-ugat…na puno?:

Oo. The bigger and more maugat… na puno, the better!

May mga bagay ba kayong nakasanayan mo sa tuwing eere ka sa radyo?:

Nag yoyoga po ako. To find my inner peace.

Klase ng taong ayaw mong makasama:

Syempre yung plastik besh. Environment friendly po ako.

Kung ikaw ay magiging isang atleta, anong klaseng sports na ginagamitan ng bola ang iyong lalaruin?:

Luh? Basketball na lang. kasi mahilig ako mag traveling, tapos sanay ako sa feelings na nagfe-fade away at mga player na mahilig mag crossover sa iba, kahit foul yun, sige lang. balang araw may penalty din sila. Ganern!

Amoy ng hininga meter: (rate 1-10) ; 1=alam mo na, 10=mabango ng super bongga:

10! Naka unique toothpaste po ako! Chos

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.