Raqi Terra

Real name:  Jessey Anne Fontillas Guiam (#HacienderaLevels)

Awards/Citations Received: Honorable Mention (Undergrad), Gold Awardee- Performing Arts (Undergrad) Best in Thesis (Undergrad), Best in Recess/ Eating, Most Masa – Masandal Tulog

Dream name:  Pancho. Bertugo. Mga ganyan.

Ilang beses ka kung mag-hilod?: Twice…. a month.

Dugtungan: “Ikinaganda/Ikinapogi ko ang…”: Dahil humble ako, hindi ko na lang i-popoint out na ikinaganda ko talaga yung buong pagkatao ko. Ahm. So siguro, pata na lang. Marami may gusto ng pata kasi malaman, yummy. LOL! Eching lang!

Kung ikaw ay magiging isang parte ng katawan ng tao, ano ka?: Puso, yung kahit ilang beses kang broken, gumagana ka pa rin. Ganun ako besh, strong! Chos

Mahilig ka ba sa malaki at naghuhumindig…na mga puno? Gusto mo rin ba ng maugat-ugat…na puno?:

Kung malaki lang bes, mahilig talaga ako dyan. Mahilig ako sa may mga lahing… puno. Yung mixed breed. Mahilig ako sa malago, makapal, madamong…. puno.

May mga bagay ba kayong nakasanayan mo sa tuwing eere ka sa radyo?:

#Humugot #Lumamon #MagingBaliw #umubo #LumunokNgLaway

Klase ng taong ayaw mong makasama:

Yung ayaw mamigay ng pagkain. Nakakasama ng loob. Lol

Kung ikaw ay magiging isang atleta, anong klaseng sports na ginagamitan ng bola ang iyong lalaruin?:

Ayokong maging athlete, na-trauma ako. Masakit…. Yung training. Basketball player kasi ako dati noong college. Mahirap yung training. Saka sa pagkakaintindi ko kasi bola lang naman talaga dapat nilalaro. Hindi feelings. Huwag ganoong bes. Kaya siguro nilaro niya ako kasi akala niya bola ako. #Hugot #Sad Eching lang.

Amoy ng hininga meter: (rate 1-10) ; 1=alam mo na, 10=mabango ng super bongga:

1=alam mo na, 10=mabango ng super bongga: 101.1 Mas mabango pa sa singit mo.