Maria Morena

Maria Morena
Real name: Ma. Socorro O. Estrella

Dream name: “Sakura” (japanese name na ibig sabihin ay bulaklak o Cherry Blossoms at Mahilig ako sa Japanese Anime and Japanese din mismo!!! Japan Japan!)

Ilang beses ka kung mag-hilod?: Sa kutis kong ito hindi halata na naghihilod ako. :p Buti na lang naitanong mo.. dalawang beses ang paghihilod ko. sabon-hilod-banlaw-sabon ulit-hilod ulit-banlaw ulit = FRESHNESS AND HOTNESS MORENA BEYBE!

Dugtungan: “Ikinaganda/Ikinapogi ko ang…”: pagiging Maria Morena.. dalagang pilipina kung iyong titingnan, pero wag ka.. palaban ito at walang inuurungan! 🙂

Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maging kulay labanos, papayag ka ba?: Kahit libre pa ko ng tone-toneladang GLUTA! DEADMA COMATOSE!

Gaano karaming kanin ang nilalagay mo sa kutsara tuwing susubo ka?: mga 13.. tapos may pahabol pa 1/2 para safety na hindi ako magugutom.

Ano ba ang pinaka nagugustuhan mo sa isang lalaki?: yung hindi maitim yung siko basta pantay sa kulay

Bakit sa tingin mo marami ang nagagandahan sa ‘yo?: nasa mukha na ang ebidensya. Period

Klase ng taong ayaw mong makasama: yung may ngipin pero ayaw naman ngumiti..

Amoy ng hininga meter: (rate 1-10) ; 1=alam mo na, 10=mabangong super bongga: hala…. 8 na lang, wala naman akong halitosis. pag 10 toothpaste model na yun!

Ano ang mga paborito mong kalikutin?: hala… mabubuking nako… tss.. yung kili-kili ko, tapos aamuyin ko.. nyahahaha!

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.