Pamaskong handog ni Donnalyn Bartolome

December 20, 2018

Kung inaakala niyong sa mga ninong at ninong niyo lang kayo may aguinaldo, diyan kayo nagkakamali dahil ang country’s social media sweetheart na si Donnalyn Bartolome ay may munting handog para sa inyong lahat ngayong pasko.

Ang kanyang bagong kanta na pinamagatang “Paskong Wala Ka,” ay tiyak na magiging bagong addition sa inyong Christmas playlist.

Bukod sa bagong album na “Surprise” na may 8 tracks na ni-release niya, maaalalang naging aprt siya ng dalawang movies ngayong taon. Siguradong isang napaka-busy na taon ito para kay Donnalyn.

Parte ng kanyang bagong album ay ang bagong birthday anthem na “HBD (Birthday Mo),” at “Itatama pa ba o Tama na.”

Available ang kanyang bagong Christmas single sa Spotify, iTunes, Apple Music at sa lahat ng digital music stores.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.