Leanne and Naara: Ang Kwento sa likod ng kanilang single na “Rest”

October 19, 2018

Muling kiligin sa handog na bagong awitin ng singer songwriter duo na si Leanne and Naara na pinamagatang “Rest.”

Nagsimula ang sweet indie pop duo sa pagpeperform sa kanilang school simula nung first year college sila. Makalipas ang limang taon sila any signed artist ng Warner Music.

After ng release ng kanilang first single na “Again,” nakapagrelease na ang duo ng mga kanta na talaga namang tumatak sa mga Pilipino.

Ayon sa dalawa, ang kanilang pamamaraan ng kanilang pagsulat ng awit ay sinisimulan muna nila sa music bago sila sumulat ng lyrics. Pero kung meron na silang theme na nabuo sa kanilang isip, mas madali na sa kanilang magsulat ng lyrics dahil buo na nila sa kanilang isip ang magiging flow at damdamin ng lyrics.

Kaya naman naisulat nila ang single nilang rest na tiyak magugustuhan pa rin ng kanilang listeners tuald ng kanilang iba pang awitin. Ang single na ito ay tungkol sa struggle ng isang tao magstay sa isang relationship kahit na yung toxicity naman ng relasyon ang kailangan niyang iwasan. Nireremind tayo ng single na ito na ang pagbitaw ay ang best decision na magagawa mo para sa iyong sarili.

Para mapakinggan ang single ng Leanne and Naara na “Rest” maari mo itong mahanap sa Spotify, Apple MusicĀ  at iTunes.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2019. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use