Handa ba ang mundo para sa Moonstar88 ngayong 2019?

February 1, 2019

Ang bandang Moonstar88 na nasa likod ng mga hit songs tulad ng “Torete” at “Migraine” na naging theme song pa ng ilan noon ay may bagong single na pinamagatang “Sorry.”

Ang kantang “Sorry” ay remake ng hit single ng popular turn-of-the-21st-century band na Teeth from 2006.Ito ay parte ng #Covered na 25th anniversary album project ng Warner Music Philippines.

Binubuo ng Moonstar88 sina Maysh Baay (lead), Herbert Hernandez (lead guitar), Buddy Zabala (Bass), and Bon Sundiang (drums and vocal).

Nagsimula ang Moonstar88 sa pagtu-tour sa mga club sa Manila at cafes. Sila rin ang crowd favorite sa mga mga colleges at universities dahil nakilala sila sa kanilang mga heartbreaking songs na merong very personal na lyrics kaya naman marami ang nakakarelate.

Ang “Sorry” ay available for streaming sa Spotify, Apple Music at sa iTunes.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.