Featured Artist: Taylor Swift

January 28, 2015

Image Source: www.billboard.com

Isang multi-Grammy award winner ang American singer/songwriter na si Taylor Swift na nakilala sa pagsusulat at pag-awit ng mga kanta na ispired mula sa sarili niyang karanasan sa pag-ibig. Sa edad na 20, siya ang pinakabatang artist na nanalo ng isang Grammy award para sa Album of the Year noong 2010. Noong 2011 naman, napangalanan siya bilang Billboard’s Woman of the Year.

Nag-umpisang gumawa ng pangalan sa country music si Taylor Swift nang inilabas niya ang kanyang self-titled album noong 2006. Sa paglabas ng album niya noong taong 2008 tuluyang nakilala ang country singer/songwriter. Ang kanyang sophomore album na “Fearless” ay nag-produce ng hits na “Love Story”, “White Horse”, “You Belong with Me”, at “Fifteen” na naging daan para siya ay tuluyang makilala sa industriya.

Ang kanyang third at fourth albums na Speak Now(2010) at Red (2012) ay bumenta agad ng higit sa isang milyong kopya sa loob ng isang linggo matapos ang mga US release nito. Mula sa album na Red, ang kanyang kantang “We Are Never Ever Getting Back Together” ay nag-number one sa US Billboard Hot 100 chart at nag-set din ng record bilang highest ever one-week sales figures para sa isang female artist.

Sa paglabas ng kanyang fifth studio album na 1989, isang malaking pagtawid mula sa country pop genre papuntang pop ang maasahan ng fans. Kabilang sa mga singles nang na-i-release mula sa album ay ang “Shake It Off” at “Blank Space” na parehong nag-number one sa US Billboard Hot 100.

“1989” Tracklisting:

1. Welcome to New York
2. Blank Space
3. Style
4. Out of the Woods
5. All You Had to Do Was Stay
6. Shake it Off
7. I Wish You Would
8. Bad Blood
9. Wildest Dreams
10. How You Get the Girl
11. This Love
12. I Know Places
13. Clean

VIDEOGRAPHY

Blank Space

Shake It Off

Fearless

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2019. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use