ON-AIR NOW:

FEATURED ARTIST: SABRINA (Asia’s Acoustic Sweetheart)

June 30, 2016

Pagkatapos ng kanyang successful acoustic rendition album na “I Love Acoustic” , paniguradong mas makikilala pa ng mga tagahanga ni Sabrina ang kanilang iniidolo sa paglabas ng kanyang self-titled album na pinamagatang “Sab”.

Lahat ng tracks sa album ay original composition ni Sabrina maliban lamang sa kantang “Permanent” na isinulat ng international songwriter at American hit maker na si Dianne Warren.

Ang kanyang album ay mapapakinggan worldwide via Spinnr, iTunes, Apple Music, Spotify, Deezer at mabibili sa mga leading record stores.

Tracks:

  1. Hypnotized
  2. Permanent
  3. Kung Pwede Lang
  4. Once Upon a Time
  5. Heaven Made
  6. Just Cause You Want To
  7. Permanent (Acoustic)
  8. Kung Pwede Lang (Acoustic)

Base sa mga lyrics ng kanyang mga acoustic love songs, asahang maraming puso ang makakarelate mula sa paglaban sa pagmamahalan ng dalawang magkarelasyon hanggang sa pagdating ng tamang taong iibigin sa maling panahon.

Sa kanyang interview sa YES! FM ay game na game ring sumalang si Sabrina sa isang Q&A patungkol sa music, sa kanyang pangarap at usaping love.

Maliban sa gitara ano pa ang instrument na kaya mong tugtugin?
Maliban sa gitara, tumutugtog din ako ng piano or organ kasi nagseserve din ako sa simbahan namin.

Ano ang biggest dream mo sa ngayon?
Gusto kong magkaroon ng hit song na tipong pang National Anthem ang peg katulad ng Pusong Bato kung saan kapag narinig nila ‘yung music, maaalala nila na ako (Sabrina) ang kumanta ng song.

Stupid thing na nagawa mo sa pag-ibig?
Mababaw lang pero ishe-share ko. Kumain kami sa fastfood ng crush ko tapos umorder ako ng spaghetti na feeling ko ang messy. Ayun rin siguro ang dahilan kaya hindi na kami nagkaroon ng chance na mag-date ulit.

Ano ang tamang edad sa pag-aasawa?
Feeling ko walang tamang edad sa pag-aasawa. Basta ready na kayo emotionally at financially at kapag tanggap niyo na ang isa’t-isa siguro ayun na ‘yung perfect time.

Ano ang katangian ng lalaking magpapatibok ng puso mo?
Sa ngayon, pass na muna ako sa looks. Ang gusto ko ay ‘yung responsable at loyal. Gusto ko ‘yung kaya akong buhayin at hindi ako sasaktan.

Panoorin ang live interview:

Watch: LIVE Interview with Sabrina 󾠣󾌧

Posted by Yes FM Manila on Tuesday, June 21, 2016

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2019. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use