FEATURED ARTIST: Myrtle Sarrosa

July 25, 2016


After itanghal bilang Pinoy Big Brother Teen Edition 4 winner, mas lalong umusbong ang career ni Myrtle Sarrosa sa larangan ng showbiz. Maliban sa pagiging actress, host at sikat na cosplayer, ipinakita rin ni Myrtle ang kanyang talento pagdating sa music.

Sa pagrelease ng kanyang self-titled “Now Playing: Myrtle Sarrosa” album na siya mismo ang nagsulat at nagcompose gamit ang kanyang ukulele instrument, siniguro ni Myrtle na makakagawa siya ng mga kantang makaka-relate ang mga taong may pinaghuhugutan.

Kasama sa kanyang album ang mga kantang:

1. Mr. Pakipot
2. Heartbroken
3. Nasaan Ka Na
4. Sabi nila
5. Tadhana
6. Ngayon
7. Label featuring Abra

Mapapakinggan din ang kanyang mga tracks via iTunes, Spotify at YouTube.

Sa kanyang pagbisita sa Yes The Best, live na kinanta at tinugtog ni Myrtle ang kanyang carrier single na “Mr. Pakipot” at game na sumabak sa isang Q and A.

Jamming and Q&A session kasama si Myrtle Sarrosa 󾔗󾠚󾠀.

Posted by Yes FM Manila on Wednesday, July 20, 2016

 

Ano ang qualities na hinahanap mo sa isang lalaki?

Usually, ayoko sa mga gwapo. ‘Yung gusto ko talaga sana ‘yung matalino, mapapatawa ka at ‘yung may sense kausap. Ayoko rin ng lalaking laging nagseselfie kasi kakabahan ako kapag mas madalas pa siyang mag-selfie kaysa sa akin.

Kung hindi ka artista, ano ng profession mo ngayon?

Kung hindi ako artista, baka isa na akong Accountant. Kasi before ng PBB (Pinoy Big Brother), nag-take ako ng Accountancy pero ngayon, BroadComm na ako.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2019. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use