ON-AIR NOW

FEATURED ARTIST: Jessie J.

July 20, 2015

Photo: http://www.girlhdwalls.com/jessie-j-9765/

Isa na marahil si Jessica Ellen Cornish o mas kilala sa pangalang Jessie J., sa mga pinaka-sikat na  singer ng ating henerasyon.  Ngunit bago pa man makilala si Jessie J. bilang isang mang-aawit, siya ay nauna na sa industriya bilang isang songwriter kung saan nakapagsulat na siya ng mga kanta para sa mga sikat na artists kagaya nina Chris Brown at Miley Cyrus.

Unang nakilala bilang isang singer ang nasabing artist mula sa kanyang kantang “Do It Like A Dude” na siyang nakasalo ng number 2 spot sa UK Singles Chart. Ngunit mas nakilala pa siya sa buong mundo dahil sa pagsikat ng kanyang inspiring song na “Price Tag” at nakapag-release na rin ng kanyang debut album na “Who You Are”. Ilan pa sa mga kantang sumikat mula sa nasabing album ang “Nobody’s Perfect”, “Who’s Laughing Now”, “Who You Are”, at “Laserlight”.

Isa din ang award-winning na si Jessie J. sa mga coach at mentor sa television show na The Voice UK at Australia.

Nagkalat din ng ingay ang pagpapakalbo ng nasabing singer-songwriter noong 2011 para sa charity at mula sa kanyang Twitter account, kanyang sinabi na: “It’s hair, It will grow back. Even if it takes 2 years, if it saves lives it’s worth it. Even if its 1 life that’s something.”

Sa kasalukuyan, busy si Jessie J. sa kanyang Sweet Talker Tour (2015) at sa kanyang viral song na “Flashlight” mula sa pelikulang “Pitch Perfect 2”.

Bukod dito, isang magandang ehemplo si Jessie J. lalo na sa mga kabataan through her music. Kaya naman hindi nakapagtatakang patuloy ang pamamayagpag ng nasabing singer.

Jessie-J-Sweet-Talker-500x500

Latest Album: Sweet Talker (2015)

Track listing:

  1. “Ain’t Been Done”
  2. “Burnin’ Up” feat. 2 Chainz
  3. “Sweet Talker”
  4. “Bang Bang” with Nicki Minaj and Ariana Grande
  5. “Fire”
  6. “Personal”
  7. “Masterpiece”
  8. “Seal Me with a Kiss” feat. De La Soul
  9. “Said Too Much”
  10. “Loud” feat. Lindsay Stirling
  11. “Keep Us Together”
  12. “Get Away”

VIDEOGRAPHY

Jessie J. – “Flashlight” from Pitch Perfect 2

Jessie J. – Who You Are

Jessie J. – Domino

Jessie J. – Price Tag feat B.o.B

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2019. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use