Erik Santos at ang kanyang handog na album at concert

August 24, 2018

Si Erik Santos ay nakilala bilang King of OPM Theme Songs at 15 years na naririnig sa radyo at telebisyon.

Pagkatapos magrenew ng kontrata ni Erik Santos sa Star Music, masaya miyang binalita na magkakaroon siya ng album at concert.

Ito ay bilang selebrasyon ng 15 taon niya sa industriya at handog ni Erik Santos sa kanyang mga supporter ay ang inaabangan album at concert.

Nakatayang makasama ni Erik Santos sa entablado ang mga tinitingala niyang mang-aawit sa industriya. Ilan dito ay sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Sarah Geronimo, Piolo Pascual, Yeng Constantino at Moira.

Sabi ni Erik, “Very excited na ako sa concert ko, at the same time medyo kinakabahan. Pero more than that, I’m so excited kasi I’m celebrating my 15th year in the business… We are preparing for a beautiful and meaningful concert for all of you,”

Ang kanyang concert ay magaganap sa darating na September 22 sa Mall OF Asia Arena.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2019. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use