Ang bigating simula ng 2019 para sa Mayonnaise

January 25, 2019

Ang bandang nakilala sa likod ng mga awiting “Bakit Part 2” at “Jopay” ay muli na namang may handog na bagong awitin na may pamagat na “Gusto Ko Lang” sa kanilang fans ngayong 2019.

Nakilala ang bandang Mayonnaise pagkatapos nila manalo sa Red Horse Musiklaban noong 2004. Mula noon ay patuloy na ang pagsikat ng banda na pinangungunahan ni Monty Macalino.

Ang album na “Gusto Lang Kasama Ka Palagi Pero Hindi Pwede” na may 20 tracks na kamakailan lamang ay ni-release nila ay inaalay nila sa yumaong ama ni Monty.

Ang kanilang bagong single ay available na sa Spotify, iTunes, Deezer, at sa lahat ng digital stores worldwide.

Maari na ring mapanood sa YouTube ang music video ng “Gusto Ko Lang” na pinagbibidahan ng MYX VJ na si Sharlene San Pedro.

 

 

 

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.