Ang bagong tunog ng Freestyle

November 16, 2018

Pagkatapos ng dalawang dekada, pinatunayan ng Freestyle na sila ay malayo pa sa tapos.

Matapos magpalit palit ng members and nasabing banda at magbago ng tunog, pinagpatuloy ng Freestyle ang laban.

Kamakailan lamang ay nag-release sila ng bagong album na “Mga Kwentong Kinanta” na nagpapakita sa buong pagyakap nila sa pagbabago at pag-explore sa iba iba nilang sensibilidad pagdating sa Musika.

Ngayon ay pinopromote nila ang bago nilang single na pinamagatang “Girlfriend” na under ng Warner Music Philippines.

Ang Freestyle ay binubuo nila Ava Santos, Rommel de la Cruz, Mike Luis, Joshua Desiderio, Tat Suzara, and Gerd Banzon.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.