A1 muling nagsama-sama para sa kanilang 20th Anniversary Reunion Tour

November 9, 2018

Ang sikat na 90’s boy band A1 na nakilala sa mga awiting tulad ng “One More Try,” “Ready or Not,” “Walking in the Rain,” Heaven By Your Side,” “Everytime,” “Caught in the Middle,” at “One Last Song” ay muling nagbalik sa Pilipinas para sa kanilang 20th Anniversary Reunion Tour.

Ang A1 ay binubuo nina Ben Adams, Mark Read, Paul Marazzi and Christian Ingebrigtsen.

Nagsimula ang kanilang tour sa New Frontier Theater at sinimulan nilang ang show ng isang a capella ng awitin nilang “Forever Love.”

Hindi lang nila ipinakita ang kanilang walang kupas na talento sa pag-awit kundi pati na rin ang kanilang talento sa pagsayaw.

Masayang naki-sing along ang kanilang fans sa mga awiting nilang talaga namang tinangkilik rin ng sambayanang Pilipinas.

Ang kanilang 20th Anniversary Reunion Tour ay prinoduce ng Concert Republic.

 

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.