Manila Bay Seasports 2015

February 17, 2015

Manila-Bay-Seasports-2015

Mga pangunahing atleta ng bansa ang mag-tatagisan ng lakas sa muling pagtatanghal ng Manila Bay Seaports Festival ngayong ika-14 at 15 ng Marso.

Isang proyekto ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, ang 2015 Manila Bay Seasports Festival ay itatampok ang pinaghalong koponan ng mga lalake’t babae sa Dragon Boat Race, at mga batikang bangkero mula sa iba’t-ibang bahagi ng kapuluan.

Mahigit kahalating milyong piso ang nakalaang pa-premyo sa mga karera, kung saan matutunghayan ng mga manonood ang kakaibang bilis at lakas ng mga naturingang atletang dagat.

Tig-32 kalahok lamang tatanggapin sa stock at formula races ng tinaguriang “bancathon.” Ang mga interesadong sumali ay dapat tumawag agad kay Lida Aquino, sa numerong 0921.723.6658. First-come, first-served ang pagpaparehistro ng mga kalahok sa ika-16 ng Pebrero.

Comments