Manila Bay Clean-Up Run 2016 (Year 6)

June 1, 2016

MAGPAREHISTRO NA SA 2016 MANILA BAY CLEAN-UP RUN

 

Sinimulan na ng Manila Broadcasting Company ang pagpaparehistro para sa ika-anim na Manila Bay Clean-Up Run na gaganapin sa ika-10 ng Hulyo.

Ito’s bukas sa lahat ng interesado tumakbo sa 3K, 5K, 10K, at 21K dibisyon na panlalaki at pambabae. Magkakamit ng medalya at cash prizes ang magwawagi sa bawat kategoriya.

Maaari na’ng magpalista sa MBC Lobby, Sotto Street, CCP Complex, Pasay City o kaya sa mga outlet ng Olympic Village sa Trinoma, Market Market, Alabang Town Center, Gateway Mall, SM Taytay, at Robinsons Antipolo.

Patuloy na tumutugon ang MBC at iba pang mga establisimiyento sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa panawagan ng Land Bank na maibsan ang basura at linisin hindi lamang ang karagatan kungdi maging mga ilog, estero at iba pa’ng maliliit na daluyan ng tubig na karugtong nito. Ang fun run ay isa lamang sa mga proyektong nakakapag-ambag ng pondong kailangan sa pagpapatupad ng mga pangangailangan ng programa.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Manila Bay Clean-Up Run, maaaring tumawag ang Runners Link sa telepono bilang 0926 205 2787.

Comments