IBA’T-IBANG PRODUKTO HANAP NG ALIWAN FIESTA BAZAAR

March 20, 2017

 

Tinatawagan ang mangangalakal ng mga katutubong produkto mula sa iba’t-ibang rehiyon!

Muling magkakaroon ng malakihang Shoppers Bazaar sa harap ng tanggapan ng Manila Broadcasting Company sa CCP Complex, Roxas Boulevard, Pasay City, kaugnay ng Aliwan Fiesta na gaganapin mula ika-20 hanggang ika-22 ng Abril.  Isa itong magandang pagkakataon upang maglahad ng kakaibang paninda galing sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas.

Mula pa noong 2003, inaabangan ng mga taga-Maynila at mga turistang dayuhan ang taunang pagtatanghal ng Aliwan Fiesta – ang pinakamalaking pagsasama ng mga kapistahan sa buong Pilipinas, sa ilalim ng patnubay ng Cultural Center of the Philippines. Ito ay naging tipanan ng kalinangan at nagsisilbing panoorin ng kasaysayan ng ating lahi.

Kaya naman dinadayo ng mga mamimili ang kakaibang tiangge ng mga produktong sariling atin — mula pananamit, gamit sa bahay, alahas, at higit sa lahat, mga kakanin at lutong-bahay ng mga putaheng galing sa mga lalawigan.

Ang mga interesadong magkaroon ng puwesto sa Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar ay maaring makipag-ugnayan kay Teray Rivas sa telepono bilang 0917.866.3973 / 0917.865.8699 / landline 832.3249

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.