2016 MBC NATIONAL CHORAL COMPETITION

August 22, 2016

choral poster - reduced

Inilunsad na ng Manila Broadcasting Company ang 2016 MBC National Choral Competition  sa dalawang dibisyon – Children’s Choir at isang Open Category para sa mga mataas na paaralan, mga opisina, o iba’t-ibang ahensiya sa pampubliko at pribadong sektor.   Ito ang tampok sa kanilang taunang selebrasyon ng Paskong Pinoy.

Magkakaroon ng live auditions sa Cauayan, Isabela sa ika-3 ng Setyembre;  sa General Santos sa ika-10 ng Setyembre;  sa Dagupan sa ika-17 ng Setyembre;  sa Iloilo sa ika-24 ng Setyembre;  Cebu sa Oktubre 1;  Davao – Oktubre 8;  Legazpi City – Oktubre 15; at sa Aliw Theater, Star City Complex, Pasay sa ika-22-23 ng Oktubre.  Ang mga taga lalawigang malayo sa audition sites ay maaaring mag-video audition at ipadala ang DVD recording ng grupo kasama ng application form sa Manila Broadcasting Company, Sotto Street, CCP Complex, Roxas Boulevard, Pasay City.  Kailangang matanggap ito bago mag ika-14 ng Oktubre.

Isandaang libong  (100,000) piso ang nakalaan sa magwawagi sa children’s division at siyento-singkuwenta (150,000) mil naman sa kampeyon ng open category.

May travel subsidy rin para sa bawat provincial choir na  makakapasok sa competition proper na gaganapin sa Aliw Theater mula December 6-10, 2016.

Maaaring makuha ang detalyadong contest mechanics sa official Facebook page ng MBC National Choral Competitions o makipag-ugnayan sa e-mail na: siouxstar@gmail.com

Comments